Hello BMP Family. Ito ay isang message na kailangan niyong basahin lahat. Love, BIG MOMMA AND BEE (yes, magkasama kami ngayon). Haha. Please welcome Pola, Seysey, Con and Stephen to the family~ Yay. Group nila, in the making pa. Hahahaha. Loljk. SM the ballad kami LOLJK.
So ito na ang ating gagawin for our performance on Saturday. Please be there by 6am. NO LATE kasi hindi makakapasok kung hindi darating before 7. Kung hindi makakarating, makakapasok lang ng 10am. Pipila kayo dun sa labas kasama nung mga maghihintay.
Dapat pakinggan ng mabuti lahat yung kanta kasi may binago kami ni Momma. Total of 10 minutes yung kanta para sulit lahat since hindi na matutuloy si Te-Teyang (LOL the name). MUSIC: http://www.4shared.com/audio/qAA_5S1h/BMPERF1.html
1. UKMG -- Yung sa inyo yung bago. Mas pinahaba namin. May cut yun kaya kailangan niyo pakinggan talaga. And practice please. Parang yung sa after ng 1st chorus ng "Oppaneun (yung part ni Dongho)", yung pinalit namin dun yung "Oppaneun" sa dulo para maganda yung ending. So wala ring problema, mag-pose lang kayo dun or whatever.
2. Dagdag ng THEBITCHY aka Yeddah and Berna para mas mahaba yung perf. Kasi gusto nila Ate Kring ng may kanta. Yeddy, dun na yun mag-start sa "Call me, Tell me, Hold me..."
3. Go Away and Beautiful wala ng stop yun. Dirediretso lang. Nebi and Daniel, kayo yung huhugot kay Mommy sa baba. Basta hanapin niyo siya at hihilain niyo siya sa stage. Magpapanggap daw siya na hindi niya alam na hihilain natin siya. LOL.
4. STEPS: Walang sasayaw sa 8282. Lahat nakatalikod pa rin. Magsasayaw lang sa Go Away at Beautiful ang lahat.
STEPS FOR GO AWAY: Lahat nasa likod nagpaparty-party. Wag tumingin sa audience. Parang nasa club lang. Ang nakatingin lang sa audience ay si Ate Zee, Chris, Berna at Yeddy tapos kumakanta sila. WATCH THIS: http://www.youtube.com/watch?v=vbN6vxG52RY
STEPS FOR BEAUTIFUL: http://www.youtube.com/watch?v=heiEfhlpYmg Nandyan si Hyori. Isipin niyo siya si Big Mama. Ganyan lang yung gagawin natin. Bigay ang mic kay Pola dahil siya yung sa rap. Tapos iwan na yung mic sa iba. PAKI-ARAL ANG BOW DAHIL YUN AY ANG ATING BOW LOL. May ikot yun ah. Kaya kailangan niyong panuorin at pakinggan yang link na binigay kong perf ng Beast. Tapos sa mga parts na may "YOU, SO BEAUTIFUL", tuturo si Big Momma. Tapos merong mga lalakeng lumalandi sa kanya, okay? Lalake = ES at TOPTEENS. Kayo na bahala. Pag-usapan niyo na lang.
5. DAPAT ARAL NINYONG LAHAT DAHIL PAG-DATING SA REHEARSAL SA STAGE, ISANG ROUND LANG ANG GAGAWIN.
6. ElementShine, polish Juliette. Dapat daw sabay-sabay na kayo diyan.
7. Pag sinabing nakatalikod, nakatalikod ang lahat. No extra movements. Walang chikahan and everything dahil madidistract yung mga tao at hindi mapapansin yung mga nasa gitna na magpeperform.
8. COSTUME = Everybody should be in white (BIG MOMMA SHIRT). Kayo na bahala sa pambaba niyo. From what we know, ang gagawin niyo parang per group may susuot na something. Like, E.S. = Colorful pants. 9Flames = Palda + Jacket. TopTeens = Red vest/jacket. TS01 = Black/dark pants. UKMG = ano ang sa inyo? Others = bahala na kayo basta yung BMomma shirt ang gamit.
9. BUNUTAN FOR CHRISTMAS PARTY KAYA KAILANGAN COMPLETE. Ia-announce saan ang venue natin for the Christmas party. Prolly December 18 ang party since di na matutuloy ang album/dvd launch ng Ukiss. Is everybody okay with that? And start tayo ng 3pm - sawa. Tapos overnight kila Berna kung sino yung gusto.
10. By the way, yung mga MABIBITIN SA KPOPCON, pwede mag-overnight kila Berna. Just bring food like de-lata, noodles, or whatever. Mahiya tayo kay Berna (SI MOMMY NAGSABI NIYAN, HINDI AKO.) Tapos, inuman? Hahahahahaha.
11. MATULOG NG MAAGA ANG LAHAT SA FRIDAY PARA WALANG EXCUSES NA MALELATE. Wag ipahiya si Mommy. Mommy is counting on you kasi binigyan na tayo ng chance makapag-perform kaya kung sino man ang walang gagawin after ng performances, tulungan si Mommy pagkatapos para hindi pumangit ang pangalan ng BMP. Yanno, issues of some people. Malabo utak. Oh yeah~
12. BRING IDS. Hindi makakapasok ang walang ID! And 150 pesos ah. May entrance pa rin tayong lahat. Para to sa Gawad Kalinga. Pati ang whole Kpop Committee magbabayad.
13. Sino may kakilala na pwedeng mag-video sa ating perf? Kailangan may 2 magvi-video sa atin.
14. Pag nasigawan ni Big Momma, di siya galit, okay? Kasi sobrang stressful talaga yung gagawin ng mga organizers sa araw na yun. Intindihin na lang at pagpasensyahan. Wala pa kaming mga tulog. Pasensya. Haha.
15. Performance natin mga 11:00 am. Kaya dapat nakakumpol lahat ng 10 sa isang lugar lang. Walang magpapaligoy-ligoy kung saan saan dahil masyadong maraming tao, mahihirapan tayo maghanapan. SUPER LAKI NG VENUE. Maawa kayo. Mga wala tayong pang-tawag. Be mindful of your things. Keep your cellphones and wallet with you. You can leave your stuffs sa backstage pero wag kayong magiwan ng valuables. Let's just be sure na walang mawawalan sa atin ng mga gamit.
16. Walang mabibigay na food for the perfomers. Baka tubig lang daw, pero not sure pa. Kulang kasi tayo sa budget, paki-understand na lang. May concessionaire na magbebenta dun ng food. Pero mas maganda na mag-baon na lang tayo ng di masaway kasi bawal magpasok ng mcdo, jollibee ganun ganun. Bring lang ng snacks, chichirya and the like, tubig, para menos gastos.
17. Yung mga magme-makeup/maga-ayos, lahat dapat magkakasama na para yung mga plantsa and everything, sa may saksakan kasi may time din yun. Dun tayo sa booth ng FREE HUG (yung shop ni Mommy at ni Kuya Edmar). DUN LAHAT KUKUMPOL OKAY. DUN ANG MEETING PLACE NG LAHAT, OKAY. Pag sinabing magkikita lahat, DOON MAGKIKITA LAHAT. Tapat yun ng UKISSMEPH BOOTH.
18. POLA, CEDRIX, CON and STEPHEN. Kung gusto niyo daw sumama sa perf, go lang. Tatayo lang naman din tayo dun LOL. Tapos party party lang at nakatalikod. Wiiiih.
19. Kung anong napag-usapan dito, walang kakalat. Alam niyo naman siguro may mga taong walang magawa sa buhay. Alam niyo naman na tayo ay mainit sa mata ng mga demanding na tao. Oh yeah~
20. GOOD LUCK EVERYONE. MAY DONGWOON WITH ME. MAY HYUNJOONG BE WITH MOMMA. MAY THE FORCE OF SHINEE, SNSD, UKISS, TEENTOP, SS501, DAVICHI, 2NE1, BEAST AND THE WHOLE KPOP INDUSTRY BE WITH US ALL. AJA AJA FIGHTING. KAMSAHAMNIDA.
TENGENUH NIYO DAPAT MABASA NIYO TO DAHIL SOBRANG HABA NITO AT PINAGHIRAPAN NAMIN TO NI MOMMY. PAG ITO HINDI NIYO NABASA, SASAMPALIN NAMIN KAYO ISAISA. HAHAHAHAHA. FEMALE DOGS~ Lol.




